Kasunod ng pagpayag ni Dr. Reynato Arimbuyutan, Presidente ng College For Research & Technology ng Cabanatuan City, na mag-cross dress ang mga estudyanteng LGBTQ+ ay naglaan ang kanilang eskwelahan ng sariling comfort room para sa mga ito.
Ayon sa aming panayam kay Dr. Arimbuyutan, hindi na nila hihintayin na magkaroon ng anumang problema ang kanilang mga estudyante nang dahil sa paggamit ng banyo na hindi akma sa kanilang kasuotan.

Ang cross dress ay pagsusuot ng damit pambabae kung ikaw ay isang lalaki ganun din naman sa mga babae.


Ilan lamang sila Levi De Guzman, Jamsey Solomon, Joey Vy, Tan Mariano at Tolentino Yumi na estudyante ng CRT Cabanatuan na aming nahingan ng pahayag tungkol sa pagkakaroon nila ng sariling palikuran sa kanilang paaralan.
Ayon sa mga ito, labis ang kanilang saya at pasasalamat sa kanilang paraalan dahil binigyan pansin at tugon ang kanilang munting kahilingan.
Pabor din ang mga ito sa pagsusulong ng Sogie Bill para umano sa tunay na pagkakapantay-pantay ng bawat indibidwal, babae ka man, lalaki o maging LGBTQ.-ulat ni Myrrh Guevarra.