Pinangunahan ni Chief of Staff Armed Forces of the Philippines (CSAFP) General Gregorio Pio Catapang Jr. ang seremonya sa pagbibigay ng mga bagong M4 assult rifles sa mga private soldiers na ginanap sa 7TH Infantry Division sa Forth Magsaysay, Nueva Ecija kamakailan.
Humigit kumulang 400 mga bagong sundalong napagkalooban ng bagong armas. Isa na rito si private John Kevin Amarilio.
Samantala, nagbigay rin ng pahayag si Catapang ukol sa ginawang pagtakas ng mga sundalong Pinoy sa Golan Heights bunsod nito, sinabi ng heneral na hindi na muna magpapadala ng karagdagang UN Filipino peacekeepers ang AFP sa nasabing lugar.
Subalit nilinaw naman ng opisyal na handa sila at patuloy na nagsasanay kung sakaling maglabas ng kautusan si Pangulong Benigno Aquino III na magpadala ng karagdagang sunadalo sa Golan Heights.
Ngunit kung magpapadala man aniya ng mga Pinoy na sundalo sa Golan Heights, ay kinakailangan ng mga ito ng dagdag na malalakas na armas upang maidepensa ang kanilang mga sarili dahil hindi hamak na mas matataas na kalibre ng mga baril ang hawak ng mga rebeldeng Syrian.–Ulat ni Mary Joy Perez