Dinagsa ng mga bata kasama ng kani-kanilang magulang sa isinagawang ligtas tigdas sa Barangay San Mariano Sta Rosa, Nueva Ecija bilang proyekto ng National Government sa pangunguna ng DOH o Department of Health at sa suporta na din ng Provincial Government ay naisakatuparan ang programang ito sa ating lalawigan.
Bukod sa pag bibigay ng Measles Rubella laban sa tigdas at bulutong ay nag bigay din sila ng Oral Polio Vaccine laban sa pagkakaroon ng Polio.
Ayon kay Irene Serapio, Nurse 2 ng Barangay Health Center ng Bayan ng Sta. Rosa ay matatandaan na nagkakaroon ng Measles Outbreak sa lalawigan ng Nueva Ecija at tanging Sta. Rosa lamang ang hindi dinapuan ng nasabing sakit.
Lahat ng batang nasa edad limang taon pababa ay maaaring pabakunahan at ang programang ito ay magtatagal hanggang katapusan ng Setyempre ngayong taon.
Iyak ang madidinig sa ilang mga bata dala na din ng takot kapag nakita na nila ang gagamiting hiringgilya.
Pasasalamat ang pahayag ni Francia Agrabante dahil isa ang kanyang anak sa nabakunahan.
Ayon kay Enrique Lungalong, kapitan ng Barangay San Mariano, Sta. Rosa ay malaking tulong ang programa na ito para sa mga bata ng kanilang barangay.
Umabot sa halos isang daan at tatlongput limang mga bata ang kanilang nabakunahan.
Dagdag ni Serapio, hindi magiging successful ang programa na ito kung walang suporta ng ama ng ating lalawigan Governor Aurelio “Oyie” Umali at Congresswoman Czarina “Cherry” Umali. – Ulat Ni Joyce Fuentes