Susuportahan ni Vice Governor Emmanuel Anthony Umali ang bubuuing Provincial Food Council ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Aurelio Umali.
Sa idinaos na media forum ng Nueva Ecija Press Club Incorporated noong Lunes July 22, 2019 sa Nueva Ecija Provincial New Capitol, inilahad ni Vice Governor Anthony Umali na malaking tulong sa maliliit na magsasaka ang ipapatayong Provincial Food Council kung saan mas giginhawa ang mga manggagawa sa bukid.
Aniya, makagagaan sa hanap buhay ng mga magsasaka ang pagkakaroon ng naturang programa ng Pamahalaang Panlalawigan na mamamahala sa pamimili ng palay na aanihin ng mga lokal na magsasaka sa lalawigan.
Prayoridad ng Provincial Government ang programang pang-agrikultura upang matulungan ang mga magsasaka at mga mamimili na makayanan ang mababang presyo ng kanilang produkto.
Layunin ng programa ni Governor Oyie Umali na matulungan ang mga maliliit na magsasaka
na naaapektuhan ng Rice Tarrification Law sa lalawigan.
Ang PFC ay binubuo ng DepEd, Sangguniang Panlalawigan, Media, Rice Miller, Rice Trader, Provincial Governor, at mga Municipal Representatives.
Paglalaanan ng P300 milyong pondo ang nasabing programa sa darating na buwan ng Setyembre na manggangaling sa General Fund ng Pamahalaang Panlalawigan.
Gayunman, ang Pamahalaan ay dapat tiyakin na kung may maliit na saka ba o nakikisaka lamang ang mga magsasaka na magbebenta ng produktong palay.
Sagot Ni Vice Gov. Umali bilang magkapatid sa pamumuno sa lalawigan ay mas mapapabilis ang pag akto sa mga problema ng lalawigan dahil sa pagkakaroon ng respetuhan , walang pag – aalinlangan , at malawak ng pangunawa sa isat – isa.
Sinabi pa nito na mahalaga na magkasundo ang pamunuan sa isang probinsya para sa mas magandang kinabukasan ng mga kababayan.Joice Vigilia/ Shane Tolentino