Patok  na patok sa mga mamimili ang boquet ng mga cartoon characters kagaya nina Sponge bob, Baymax, Hello kitty at Teddy bears  ngayong araw ng mga puso.

Isa si John Brando De Guzman, residente ng Brgy. Nabao, Cabanatuan City ang certified mamimili at suki sa patok na boquet ng mga cartoon characters.

Kwento nya, taun taon na syang nagpapagawa ng boquet cartoon character para sa kanyang asawa.

Nag-aadvance umano sya limang araw bago ang Valentine’s Day para hindi na sya sumabay sa dagsa ng mga mamimili.

Dagdag pa niya, anim na boquet ng Hello Kitty ang kanyang pinasadya para sa anim na taon na nilang pagsasama ng kanyang asawa.

Nagpaabot pa ng isang nakakakilig na mensahe si John Brando para sa kanyang asawa.

Para naman kay Jc, miyembro ng LGBT Community, na ka-uuwi lang ng bansa, ay balak surpresahin ang girlfriend ngayong araw.

Nagbigay pa ng mensahe sa kanyang iniirog si JC, lalo na’t unang pagkakataon nitong sosorpresahin ang kasintahan.

Ayon  naman kay aling Marivic Ignacio, tindera at may-ari ng mga bulaklak, limang taon na silang nagtitinda at dalawang taon na nilang nilalakipan ang kanilang mga panindang bulaklak ng kakaibang  stratehiya kagaya ng mga naisip nilang  boquet ng mga cartoon characters dahil ito ang mas mabenta at patok  sa mga mamimili tuwing araw ng mga puso.

Dagdag pa nito, mula pa sa Divisoria sa maynila ang kanilang mga paninda  at  halos isang buwan ang preparasyon nila  lalo na kapag ganitong okasyon, na sila mismong magkapatid ang gumagawa at nagdedisenyo nito.

Sinamantala naman ni aling Marivic ang pagkakataong mag-alok sa mga kaibigan at mga kakilala nito ng kanilang paninda.

Ang mga boquet ng mga cartoon characters ay nagkakahalaga ng isang libo dalawang raang piso ang isang dosena depende sa gustong cartoon character, ang tatlong pirasong Hello Kitty ay nagkakahalaga naman ng 850 pesos, ang hugis pusong gawa naman  sa tsokolate ay apat na raan  at ang isang pirasong Ferrero na disenyong bulaklak ay php 50.

Samantala, kabilang sa aming nilibot ang Silent Bloom’s Flower Shop na nag-aalok ng magagarbong disenyo ng mga boquet ng bulaklak.

Ayon sa may ari nito na si ginoong Christopher Viray, roses ang pa rin ang nananatiling  pinakamabentang bulaklak , sumunod ang  Sunflower at ang pinakamura ay assorted flowers. Ang Malaysian mums, Tulips and imported roses  naman ay  nagmula pa sa bansang Holland.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran