Nagpabonggahan ng mga costumes, nagpagalingan sa mga pakulo, sa pagkendeng, pagkanta at pag-akting ang limang Distrito ng Cabanatuan City na nagpakitang gilas sa kanya-kanyang mga performances sa kanilang Christmas Party.
Tampok din sa kanilang pagtatanghal ang ilang programa ng Provincial Government sa pamumuno ni Governor Czarina Umali tulad ng Gift Giving at Livelihood sa ilalim ng Malasakit Program.
Malasakit sa kapwa, pagbibigayan at pagmamahalan din ang tema ng bawat performances at maging ng pagdiriwang.
Nakisaya din sa selebrasyon sina Governor Cherry Umali, First Gentleman Oyie Umali, Cabanatuan City Vice Mayor Anthony Umali at mga kasama.
Pinuri naman ni Former Governor Oyie Umali ang performance ng bawat kalahok at nagpahayag ng kasiyahan sa kinalabasan ng pagdiriwang.
Hiniling naman ni Governor Cherry sa kanyang mensahe na ang anumang malasakit na natatanggap ng bawat isa ay siya nawang ibalik natin sa ating kapwa.
Mensahe naman ni Vice Mayor Anthony Umali sa lahat ng mga Novo Ecijano na manatili nawa sa puso ng bawat isa ang pag-ibig sa kapwa na daan tungo sa kapayapaan.
Samantala, nagwagi sa patimpalak ang Central District na nagkamit ng sampong libong pisong cash prize, habang nag-uwi naman ng tig-limang libong piso ang apat na kalahok.
Tinanghal namang Best in Choreography ang West District at Best in Costume ang South District.
Matapos maianunsyo ang mga nagwagi ay nagkaroon din ng mga pa-raffle na may kaakibat na mga papremyo at lahat ay umuwi ng may ngiti sa mga labi dahil sa gift packs na natanggap mula sa Pamahalaang Panlalawigan.—Ulat ni Jovelyn Astero