Naglabas na ng early Christmas bundles ang Human Nature para sa mga nais ng bumili ng kanilang mga regalo sa darating na kapaskuhan.
Ang Human Nature ay nag aalok ng mga produktong cruelty free at chemical free para sa mga taong ayaw ng gumamit ng mga produktong may chemical na maaaring makasama sa kalusugan ng tao. Sila ay nag aalok rin ng mga produkto na all natural mula sa mga gamit ng sanggol, beauty products at gamit pang araw-araw na patok na regalo ngayong pasko.

MGA PRODUKTO NG HUMAN NATURE, CRUELTY AT SYNTHETIC CHEMICAL FREE
Si Ate Remedios ng Cabanatuan City ay may isang taon ng gumagamit ng Human Nature products at aniya ay magandang ang epekto ng mga produkto na ito. Aniya ang Human Nature ay isang magandang produkto dahil wala itong mga chemical na maaring mag dulot ng kanser.

GAWAD KALINGA, NATUTULUNGAN SA BAWAT NABEBENTANG PRODUKTO NG HUMAN NATURE
Hindi lamang ang iyong reregaluhan ang iyong matutulungan dahil sa bawat pag bili mo ay mayroong parte dito na mapupunta sa Gawad Kalinga, bukod pa dito ang mga produkto ng Human Nature ay gawang ‘Pinas kaya nakatutulong din sa mga magsasaka at manggagawa sa ating mga bukid.

PURE VIRGIN COCONUT OIL, BAGONGPRODUKTO NG HUMAN NATURE
Bukod sa christmas bundle ng Human Nature ay ipinakilala rin nito ang kanilang bagong produkto na pure virgin coconut oil na maaaring gamitin sa iyong buhok at body oil na walang halong chemical. – Ulat ni Amber Salazar