Siniguro ng Rachell Allen na napakarami pa ring trabahong nagiintay sa mga Nurse, Physical Therapist at Occupational Therapist sa abroad. Ito ang kanilang tinalakay sa ginanap na Healthcare Symposium sa Cabanatuan City.

Ayon kay Rosemarie Pica, Managing Director ng Rachell Allen, napakaraming umanong oportunidad ang nagiintay para sa mga pinoy nurse sa abroad. Lalo na sa mga nagnanais na mabigyan ng US visa sponsorship sa limampung estado sa Amerika.

Aniya, hindi totoo na nagkukulang na o wala ng trabaho para sa mga Nurse, PT at OT.

Kabilang ang mga Registered Nurse, sa pinaka-indemand na Healthcare Profession sa abroad at isa sa kwalipikasyon upang matanggap sa pag-aapply sa ibang bansa, partikular na sa Amerika,  ay ang pagpasa ng NCLEX o National Council Licensure Examination, na isa sa mga ibinibigay na serbisyo ng PNI International.

Ayon kay Sharon Belenario ng PNI International, sinisiguro nila na sa loob lamang ng dalawang buwan ay maipapasa na ng mga aplikante ang eksaminasyon.

Pinuri naman ni Hitesh Katri, isang US Employer, ang mga pinoy. Dahil sa katangian ng mga ito pagdating sa husay sa pagtra-trabaho.

Dagdag pa niya, mas lalong tumitindi ang demand ng mga Health Workers sa Amerika. Kaya’t narito sila sa pilipinas upang tulungan makahanap ng magandang trabaho ang mga pinoy sa ibang bansa.

Para sa mga karagdagang impormasyon bumisita sa kanilang website na www.rachellallen.com, www.pniinternationalcorp.com at www.ability-works.com. -Ulat ni Danira Gabriel