Pinagkalooban ng libreng salamin ng Pamahalaang Panglungsod ng Gapan ang higit isang daang Gapawenyo na may suliranin sa mata.

Higit isang daang Gapawenyong nakapila para sa libreng suri sa mata at libreng salamin
Ayon kay Elmira Pascual, Administrator ng Gapan, layunin ng programa na magkaroon ng pagbabago sa bayan, makatulong at maihatid sa mga mamamayan, mahirap man o mayaman, ang serbisyo ng Lokal na Pamahalaan.

Gapan City Administrator Elmira Pascual malayang nagbahagi ng kaalaman patungkol sa layunin at mga programa ng lokal na pamahalaan
Dagdag pa nito, maagang regalo na rin ito ng kanilang Punong Bayan sa mga Gapawenyo lalo na’t nalalapit na ang kapaskuhan.
Sinabi nina Mang Ebaresto Nagimbing at Ginang Edna Arcilla na malaking ginhawa para sa kanila ang libreng sukat at pagkakaroon ng salamin sa mata sa kabila ng kahirapan, kaya naman lubos na nagpasalamat ang mga ito sa Pamahalaang Panglungsod.
Ito na ang Pangatlong beses na isinasagawa ang libreng check-up sa mata, fitting ng pustiso, at libreng salamin sa bayan ng Gapan.
Samantala, Dahil sa hindi matatawaran at solidong serbisyo ay nakatanggap ang Gapan City ng award na Seal of Good Local Governance ngayong taong 2017.- Ulat ni Getz Rufo Alvaran