Tagumpay sa pagsungkit ng korona ang dalawang pambato ng JPIA o Junior Philippine Institute of Accountance Club sa katatapos lamang na kompetisyon ng College of Immaculate Concepcion King and Queen 2018 noong December 14,2018.
Sa umpisa pa lamang ng programa sinalubong na ng matingding hiyawan ng mga manunuod ang pagrampa ng mga nagagandahan at nagagawapuhang kalahok sa kanilang casual attire.
Mas naging maningning pa ang gabi dahil sa mga constellation inspired na kasuotan ng mga candidates kung saan nirepresenta nila ang simbolo ng mga bituin tulad ni Queen Cassiopeia, Columba at Pegasus.
Kasunod nito, isa isang ibinida ng mga kalahok ang kanilang blue suit at red evening gowns para sa kanilang formal attire.
Bukod dito, inihayag din ng bawat kalahok ang kanilang mga adbokasiya patungkol sa mga napapanahong isyu gaya na lamang ng Mental Health Awareness, Anti-discrimination with Persons with Disabilities, kahalagahan ng edukasyon, pagiingat sa kalikasan at marami pang iba.
Naging mas mahigpit pa ng ang kompetisyon ng magtagisan na ng talino sa pagsagot ang Top 5.
Sa pagtatapos ng programa, hakot award si Patricia Convento na pinarangalan sa Creative Attire, Best in Costume , Formal Attire, Darling of the Crowd at kalauna’y kinoronahan din na CIC Queen 2018.
Habang nawagi naman si Ryan Francis Abalos bilang CIC King 2018.
Itinanghal din na 1st Princess si Jonabelle Bondoc at 2nd Princess si Aira Mae Caballero kasama din sina Patrick Vindel Cruz bilang 1st Prince at 2nd Prince naman si Jayson Layma.
Ayon kay CCSC o College Student Supreme Council President Rayebill Balasbas, layunin daw ng naturang event na ipakita na hindi lamang sa ganda, talino at talento ang dapat taglayin na katangian mga candidates bagkus ang pagkakaroon ng mabuting kalooban na mas makatulong sa iba. –Ulat ni Getz Rufo Alvaran