Nagliwanag ang buong harapan ng Central Luzon State University o CLSU Main Gate ng Science City of Muñoz, ng opisyal ng buksan ang mga kumukutikutitap na mga pailaw, bilang hudyat ng pagdiriwang ng nalalapit na kapaskuhan.
Bitbit ang kanilang camera, hindi magkamayaw sa pagkuha ng selfie at groufie ang mga manunuod.
Ito ang sentro ng atensiyon ngayon sa lungsod na dinarayo pa ng mga iba’t-ibang bayan.
Ang christmas lights ng unibersidad ngayong taon ay sumisimbulo ng katatagan at pagtutulungan na naglalarawan sa tema ng eskwelahan na “hawak kamay”.
Tampok ang CLSU band na nangharana sa daan-daang manunuod na nagtiyagang mag intay sa pagbubukas ng mga ilaw.
Simula Disyembre a-uno hanggang sa unang linggo ng Enero makikita ang christmas lights. Mula 6pm hanggang 10pm.
Samantala, inaabangan din ang Lantern Parade ng clsu na gaganapin sa December 16. Ito ang main highlight ng unibersidad sa pagdiriwang ng kapaskuhan.-Ulat ni Danira Gabriel