Nakipagkaisa ang ibat-ibang LGU’S o Local Government Unit ng Nueva Ecija para sa Opisyal na pagbubukas ng kauna-unahang Governor’s Cup Inter-Town Basketball Tournament, na ginanap sa CLSU Gymnatorium sa Lungsod Agham ng Muñoz bilang pagpapahalaga sa programang kabataan na walang sawang ipinamamalas ng Pamahalaang Panlalawigan.
Bitbit ang saya ng mga kabataang Novo Ecijano ng pasimulan na ang kauna-unahang Intertown Basketball Tournament. Matapos ang ilang buwan na paghihintay ay natupad na ang kanilang pinakahahangad na laban sa larangan ng Basketball .
Nagmula sa ibat-ibang lugar sa lalawigan ang mga partisipants tulad ng Cuyapo, Talugtug, Muñoz, Zaragoza, Llanera, Rizal, Talavera, Munoz, General Natividad,Gapan, San Isidro, San Jose, Llanera, Nampicuan, Gapan, Cabanatuan at iba pa.
Sumuporta din si Mayor Nestor Alvarez ng Lungsod ng Muñoz kasama si Vice Mayor at iba pang kawani upang saksihan ang naganap na seremonya.
Ilan sa mga Coach ay nagpaabot ng kanilang pagkilala sa magandang proyektong ito ng Pamahalaang Panlalawigan
Bago naman pinasimulan ang laro nagkaroon muna ng pagpili sa nagagandahang Muse, at ito ay nasungkit ng Muñoz Team.
Unang nagpasiklab sa labanan ang Team Commandos ng bayan ng Zaragoza versus Tamaraus ng Llanera.
Sa first quarter lumamang ang Zaragoza ng Labing Siyam na puntos naging matatag ang grupo hanggang sa Second third at sa points na 91 ay nakuha ng Commandos ng Zaragoza ang panalo habang ang Llanera Tamaraus ay nakakuha ng 84 points.
Lubos naman ang pagpapasalamat ni Dating Bokal Anthony Umali sa mga nakiisa sa programa ng pamahalaang panlalawigan hatid ng Gobernador at Third District Congw. Cherry Umali para sa kapakanan ng mga kabataang Novo Ecijano.
Sa Ikalawang bakbakan ay nagpasiklaban naman ang Cuyapo at Muñoz .
Kitang kita na mula sa Una hanggang sa Huling quarter ay malaki ang naging lamang ng muñoz kung kaya sa huli ay nasungkit nila ang panalo sa score na 79.
Magtutuloy pa ang naturang palaro na paglalaban labanan pa ng ibat-ibang mga representante ng bawat bayan sa buong lalawigan. -Ulat ni Bituin Rodriguez
[youtube=http://youtu.be/XkCvLhnSI6w]