Nagpatalbugan sa entablado ang labing tatlong kandidato at kandidata ng Mr. & Ms. Neust 2017 dala ang bawat pangalan ng kanilang Colleges and Campuses.
Inirampa ng mga candidates ang Production Number Attire, Sports AQttire, Swim wear at Formal Attire.
Nasungkit ni Fatrishia Madrid ng College of Information Technology at Karl Timothy Lasco ng Laboratory High school ang Best in Sports Attire, Best in Swimwear, at Best in Formal Attire.
Habang naiuwi naman ni Leomarck ng College of Information Communication Technology at ni Diamond Faye Romero ng Laboratory high school ang Best in Production Number.
Nakamit naman ni Jerico Orencia ang 4rth runner up na nagmula sa College of Education at ni Kate Hazel Mendoza ng College of Artchitecture.
Habang 3rd runner up naman sina Renato De Guzman Jr. Ng College of Education at si Lee ann Manuel ng College of Arts and Sciences.
2nd runner up si Lance Madrid ng College of Arts and Sciences at si Jenny dean Melosantos ng Bachelor of Science in Business Administration
1st runner up sina Micheal Vincente Bati na nagmula sa pa San Isidro Campus at si Diamond Faye Romero ng Laboratory High School.
At ang itinanghal na Mr & Miss Neust 2017 ay sina Karl Timothy Lasco ng Laboratory High School at si Fatrishia Madrid ng College of Information Communicatin Technology.
Ayon kay Jan Nikko Montemayor, Presidente ng University Student Government, layunin ng patimpalak na madebelop pa ang self confidence ng mga estudyante at mahubog sila physically, morally, at socially.
Dagdag pa niya ang itinanghal na Mr & Miss Neust 2017 ay ang magiging representante ng kanilang eskwelahan para sa iba pang patimpalak tulad ng Mr. & Ms. DCSUC at SCUAA. – Ulat ni Phia Sagat