Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang naganap na panloloob sa isang tindahan ng cellphones, gadgets, at appliances sa barangay Dampulan, bayan ng Jaen.
Kinilala ang biktima na may-ari ng Basic Marketing na si JOCELYN DE LEON y Pagaduan, 47 years old, may asawa, at residente ng Brgy. Del Pilar East, baya ng Zaragoza.
Ayon sa pagsisiyasat ng Jaen police, alas otso ng umaga noong July 18, 2022 nang madiskubre ng kanyang empleyado na si Aira Marie Pallanan ang pagkawala ng kanilang mga paninda.
Napag-alaman na winasak ng mga kawatan ang padlock ng roll-up door kaya nakapasok sa tindahan at tinangay ang 53 units of cellphones, flat screen Televisions, two laptops and cash na nagkakahalaga ng Php10,000.00.
Sa pagtataya ay umaabot sa kabuuang Php457,000.00 ang halaga nang nanakaw sa tindahan.