Patay ang isang tulak umano ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Melencio Extension, corner Doña Encarnacion Avenue, barangay Kapitan Pepe.

Kinilala ang napatay na suspek na si Nelson dela Merced alyas Arabo, residente ng barangay San Josef Norte Cabanatuan City.

Napatay sa buy-bust operation sa Cabanatuan City ang isang tulak umano ng shabu matapos umanong manlaban sa mga pulis.

Base sa report ng Cabanatuan Police Station, bandang ala una kwarenta’y singko ng madaling araw noong September 15, 2017 habang nakikipag-transaksyon ay naramdaman ng suspek na nagpapanggap lang na buyer ang mga pulis.

Binunot nito ang isang caliber .38 revolver na baril at pinaputukan ang mga otoridad kaya napilitang gumanti ng pamamaril ang mga ito na naging sanhi ng kamatayan ng suspek.

Peñaranda- binaril ng dalawang beses sa ulo ng hindi nakilalang salarin ang hepe ng Bantay Bayan sa Barangay Las Piñas.

Kinilala ang biktimang si Ireneo Abiog  y Mactal, kwarenta’y tres, may asawa, naninirahan sa Purok syete ng nasabing barangay.

Ayon sa imbestigasyon ng Peñaranda Police Station, dakong alas dos bente ng hapon noong September 15, 2017 pumunta ang biktima sa bukid nito sakay ng isang tricycle na minamaneho ng isang lalaki na napag-alamang buyer ng kahoy.

Isang hepe ng tanod sa bayan ng Peñaranda ang pinagbabaril sa ulo ng mga hindi nakilalang suspek na buyer umano ng kahoy.

Habang bumibyahe ay sumunod umano ang isang lalaking nakasuot ng pink T-shirt at six pocket shorts lulan ng isang Motorstar motorcycle na walang plate number.

Pagdating sa bukid ay pinag-usapan ng tatlo ang tungkol sa ibinebentang kahoy, pagkatapos ay naunang umalis ang nagmamaneho ng tricycle kasunod ang biktima na umangkas sa motor ng suspek.

Makaraan ang sampong minuto ay pinaputukan ng suspek ng dalawang beses sa noo ang biktima na kaagad na namatay.

Narekober ng SOCO sa crime scene ang dalawang basyo ng bala ng caliber .9mm na baril.-ulat ni Clariza de Guzman