Muling isinagawa sa ikalimang pagkakataon ang Mobile E-Passport Serbilis sa lalawigan ng Nueva Ecija bilang bahagi ng ika-isang daan at labing walong selebrasyon ng Unang Sigaw ng Nueva Ecija noong Sabado September 6 sa Provincial Old Capitol, Cabanatuan City.

 

Ito ay sa pangunguna ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Governor Oyie Umali sa pakikipag-ugnayan ng Provincial Employment Service Office o PESO sa Department of Foreign Affairs o DFA Manila.

Taon-taong isinasagawa ang naturang programa handog para sa mga Novo Ecijano upang mabawasan ang gastusin sa pagbyahe at panahon sa pagkuha ng appointment at  personal appearance.

Anim na raang aplikante bago man o magrerenew ng kanilang pasaporte ang nakapagsumite ng mga requirements sa itinakdang petsa ng pagpapasa sa PESO. Ang pagrelease ng mga pasaporte ay gaganapin sa NE Pacific Mall sa ika-labing-isa ng Oktubre.

Samantala, pakaabangan para sa mga job seekers lalong-lalo na sa Octoberian graduates na may isasagawang Provincial Jobs Fair sa buwan ng Oktubre o Nobyembre kaya patuloy lamang na tumutok sa aming programa.- Ulat ni Shane Tolentino