Ipinagdiwang ng Premiere Medical Center ang kanilang 20th Founding Anniversary kahapon na dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na nagbigay papuri sa naturang pagamutan dahil sa pagsisilbi nito sa bayan.

Naging Panauhing Pandangal ng Premiere Medical Center si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang 20th Anniversary, kasunod nito ay nag-abot ito ng tulong pinansyal sa mga cancer patients ng naturang pagamutan.

Sinabi ng Pangulo na kahit saan mang survey ay ang mga Doctor ang nakakakuha ng mas mataas na rating ng kredibilidad at mataas na respeto mula sa mga Pilipino.

Unang naitayo ang ospital noong taong 1997 na pinangalanang Premiere General Hospital at pagkalipas ng tatlong taon ay pinalitan ang pangalan nito bilang Premiere Medical Center.

Samantala, sa talumpati ng Pangulo ay iginiit nito na hindi ito magdedeklara ng Martial Law, at kung gagawin man niya ito ay hindi aniya siya mag-iingay.

Ipinakita din ng Pangulo ang kanyang NARCO-list, kasabay ng kanyang panawagan sa publiko na suportahan at makiisa sa kanyang laban kontra sa iligal na droga. Karamihan umano ng nasa listahan ng Pangulo ay mga Barangay Captains, pulis, Mayors, at Generals.

Matapos ang kanyang talumpati ay dinalaw ni Pangulong Duterte ang mga cancer patients sa naturang pagamutan at nag-abot ng pinansyal na tulong para sa mga ito.

Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga cancer patient sa Premiere Medical Center upang abutan ng pinansyal na tulong.

Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga cancer patient sa Premiere Medical Center upang abutan ng pinansyal na tulong.

Nagpahayag ng kasiyahan si “Karen” hindi tunay na pangalan, na isang cancer patient, dahil nabigyan aniya ng pansin ng Pangulo ang mga kagaya nitong dumaranas ng matinding karamdaman.

Maliban sa cash na iniabot ng Pangulo sa mga ito ay nagbigay din si Pres. Duterte ng mensahe para sa kanila upang patuloy na lumaban sa kanilang mga karamdaman. –Ulat ni Jovelyn Astrero