Tinalo ng CRT Blue Fox ang WUP Riders Volleyball Women matapos makaharap kahapon sa Battle for 3rd ng NECSL Season 5.

   Umabot sa 3rd set ang laro kung saan sa 1st set, agad na tinambakan ng CRT ang Wesleyan, 25-11.

Nagpapalitan na ng malalakas na palo ang Crt bluefox at Wup riders  para sa battle for 3rd  sa Women’s Volleyball ng Necsl season 5.

Nagpapalitan na ng malalakas na palo ang CRT Bluefox at WUP Riders  para sa battle for 3rd  sa Women’s Volleyball ng NECSLl season 5.

   Pagsapit ng 2nd set, mas lalong tumindi ang depensa ng CRT kaya naman ang Wesleyan hirap na makalapit sa puntos, 25-14.

   Sa 3rd set, gitgitan ang naging laban. Palitan ng malalakas na palo ang dalawang kupunan kaya nahirapan ang Wesleyan na habulin ang puntos ng CRT Blue Fox, 28-26.

   Dahil sa pagkapanalo ng CRT Bluefox kontra WUP Riders, nakamit nila ang ikatlong pwesto habang 4th place ang Wup Riders sa Necsl Women’s volleyball.

Masayang nakamit ng CRT Blue Fox ang Ikatlong pwesto at 4th place naman ang WUP Riders.

Masayang nakamit ng CRT Blue Fox ang Ikatlong pwesto at 4th place naman ang WUP Riders.

   Ayon sa kanilang coach na si Jr Pajarillo bigo man nilang nakuha muli ang titulo sa Necsl Women’s volleyball buo pa rin ang loob ng bawat manlalaro at patuloy pa rin ang pasasalamat nito sa mga sumuporta sa buong team ng Crt blue fox.

   Malaking pasasalamat din ang ipinaabot ng coach ng crt kay Gov. Cherry Umali na nabigyan sila ng malaking oportunidad na magkaroon ng ganitong klaseng palaro at maipakita ang talento ng bawat mag-aaral. -Ulat ni Majoy Villaflor