Saya ang makikita sa bawat representante ng kooperatiba ng matanggap nila ang tseke na nagkakahalaga ng 100,000 piso mula sa Manila Waters isang Foundation na nagbibigay ng tulong sa mga kooperatiba upang magkaroon sila ng capital at mapaunlad ang kanilang Coop. 2004 nagsimula ang programa at umaabot na sa 350 kooperatiba ang na tulungan mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Awarding ng Checke para sa mga kwalipikadong Kooperatiba
Ito ang unang batch ng mga cooperatiba na naaprubahan ang loan at umabot na agad ito sa 17 mga koop dahil na rin sa simple lamang ang hinihingi nitong requirements upang mabigyan ng loan ang mga kooperatiba na nangangailangan nito upang magkaroon ng capital. ang manila water foundation ay walang idinadagdag ng interes at may grace period na 3 months bago simulan ang pagbabayad nito sa loob ng isang taon.
Fist Batch ng mga Kooperatiba na nabigyan ng pondo.
COOPERATIVE BAYAN PAG GAGAMITAN NG PONDO
BAGONG SIBOL NG BARANGAY
RIZAL MULTI PURPOSE COOPERATIVE BONGABON ONION PRODUCTION
BANTUG AGRICULTURAL
MULTI PURPOSE COOPERATIVE TALAVERA FARM INPUTS TRADING
BARANGAY AQUINO MULTI PURPOSE
COOPERATIVE LICAB FARM INPUTS TRADING
BONGABON MARKET
VENDORS COOPERATIVE BONGABON RICE TRADING
BONIFACIO MULTI PURPOSE
COOPERATIVE CUYAPO RICE TRADING
CABANATUAN CITY SUPERMARKET VENDORS
MULTIPURPOSE COOPERATIVE CABANATUAN CITY RICE TRADING
FARMERS BUSINESS
RESOURCE COOPERATIVE ALIAGA FARM INPUTS TRADING
GINTONG BIYAYA PRIMARY
MULTI PURPOSE COOPERATIVE BONGABON ONION PRODUCTION
KILUSANG LIMA PARA SA LAHAT
MULTI PURPOSE COOPERATIVE TALAVERA HOG RAISING
KAISA PARA SA DEMOKRASYA AT REPORMANG
PANG KABUHAYAN DEVELOPMENT COOPERATIVE LAUR VEGETABLE PRODUCTION
NEW MAGILAS PRIMARY
MULTI PURPOSE COOPERATIVE BONGABON ONION PRODUCTION
NUEVA ECIJA PROVINCIAL GOVERNMENT
EMPLOYEES CONSUMER COOPERATIVE PALAYAN CITY RICE TRADING
PINAGBUKLOD CLC PRIMARY
MULTIPURPOSE COOPERATIVE BONGABON FARM INPUTS TRADING
TALABUTAB NORTE PRIMARY
MULTI PURPOSE COOPERATIVE GENERAL MAMERTO NATIVIDAD RICE TRADING
TODO BIGAY (BLP)
MULTI PURPOSE COOPERATIVE PALAYAN CITY ONION PRODUCTION TRADING
UNITED PULO MULTI PURPOSE COOPERATIVE SAN ISIDRO FARM INPUTS TRADING
VALIANT PRIMARY MULTI PURPOSE COOPERATIVE BONGABON FARM INPUTS TRADING
Sa pangunguna ng Ina ng Lalawigan Gov. Cherry Domingo Umali sa pamamagitan ng PCEDO ay kumatok ang lalawigan sa iba’t ibang mga korporasyon na maaaring tumulong sa mga mamamayan ng Nueva Ecija.
Ipinangako ng Ina ng Lalawigan ang pag tulong sa mga Kooperatiba kaya naman sa pakikipag tulungan sa Manila Water Foundation ay naging daan ito upang masuportahan ang mga kooperatiba na nag nanais na bumuo ng sarili nilang negosyo ng hindi pinoproblema ang pondo.

Unang batch ng mga Kooperatiba kasama ang PCEDO at Manila Waters
Unang batch ng mga Kooperatiba kasama ang PCEDO at Manila Waters
Malaki ang pasasalamat ng mga kooperatiba lalo pa at kung magiging maayos ang unang loan ay maaari pang umulit sa pag hiram ng pondo ang mga kooperatiba upang mapondohan ang mga proyekto nito.
Para naman sa mga hindi nakahabol sa unang batch ay ongoing na ang screening para sa susunod na batch ng mga kooperatiba kung saan maaaring mag inquire sa PCEDO office, Palayan City