Sa kabila ng karamdaman ay nabigyan ng ngiti ang mga labi ng mga Cancer Patients kasama ang ilan sa kanilang mga mahal sa buhay, dahil sa mga palarong inihandog sa kanila ng Joseph Ray B. Yang Cancer Institute sa selebrasyon ng kanilang ikatlong taong Anibersaryo.

   Ayon kay Dr. Reynaldo C. Yang, Presidente ng naturang Cancer Institute, ginawa nilang simple ang pagdiriwang ng kanilang anibersaryo ngayong taon, gayunman ay bahagi pa rin nito ang patuloy nilang pagsasagawa ng information dissemination para sa proper diet ng mga pasyente.

Nagbigay ng ngiti sa mga pasyente ang mga palaro ng Joseph Ray B. Yang Cancer Institute sa kanilang ikatlong taong Anibersaryo.

Nagbigay ng ngiti sa mga pasyente ang mga palaro ng Joseph Ray B. Yang Cancer Institute sa kanilang ikatlong taong Anibersaryo.

   Dagdag pa dito ni Dr. Lawrence De Guzman, Total Quality Management Officer ng JRBYCI, naging simple man ang selebrasyon ng ikatlong taon ng kauna-unahang Cancer Institute sa Lalawigan ay pinaghahandaan naman nila ang ika dalawapung Anibersaryo ng Premiere Medical Center sa Enero na inaasahang dadaluhan ni President Rodrigo Duterte.

Pagdiriwang ng ikatlong taong Anibersaryo ng Joseph Ray B. Yang Cancer Institute.

Pagdiriwang ng ikatlong taong Anibersaryo ng Joseph Ray B. Yang Cancer Institute.

   Ayon kay Dr. Lawrence, umaabot sa tatlumpo ang kanilang nagiging pasyente kada araw sa Radio Therapy, habang umaabot naman sa walumpo hanggang syamnapung pasyente ang nagpapa-chemo therapy sa loob ng isang linggo.

   Sa nakalipas na dalawang taon ay nagsagawa rin ang JRBYCI ng mga fund raising tulad ng Bingo for a Cause at Fun Run, kung saan ang mga nalikom na pera ay inilaan para sa mga mahihirap na cancer patients sa Lalawigan para sa kanilang pagpapagamot.

   Naitayo ang Joseph Ray B. Yang Cancer Institute bilang ala-ala ng namapayapang anak nina Dr. Reynaldo C. Yang at Dr. Sylvia B. Yang dahil sa sakit na kanser sa buto, na naglalayong makatulong sa mga Cancer Patients sa Nueva Ecija upang hindi na bumiyahe pa ng malayo para makapagpagamot. –Ulat ni Jovelyn Astrero