Patuloy umanong nakikipag-ugnayan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija ang mga ahensiya ng gobyernong may kinalaman sa pagpapatayo ng state-of-the-art New Bilibid Prison sa barangay Nazareth, General Tinio, sa lupaing nasasakop ng Fort Magsaysay Military Reservation.

Sa lupaing nasasakop ng Fort Magsaysay Military Reservation sa barangay Nazareth, General Tinio, Nueva Ecija nakaplanong itayo ang New Bilibid Prison.

Sa lupaing nasasakop ng Fort Magsaysay Military Reservation sa barangay Nazareth, General Tinio, Nueva Ecija nakaplanong itayo ang New Bilibid Prison.

   Ito ang isiniwalat ni Provincial Administrator Alejandro Abesamis sa isang panayam kung saan iginiit nito na matutuloy ang nasabing proyekto, kontra sa lumabas na balitang ipinatitigil na ito ng National Government.

   Base sa balitang inilathala ng Manila Standard na may petsang September 9, 2016, sinasabing hindi na matutuloy ang konstruksyon ng bagong kulungan sa lalawigan ayon sa pahayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa ginanap na congressional hearing noong September 7, 2016.

   Aayusin na lamang aniya ang kasalukuyang bilangguan na matatagpuan sa 551-hectares na lupain sa Muntinlupa City dahil masyadong mataas ang magagastos sa panukalang bagong kulungan sa ilalim ng Public-Private-Partnership, na  gusali pa lamang ay aabutin na ng Php50-Billion o $1-Billion.

   Si Former Justice Undersecretary Francisco Baraan at Former Governor Aurelio Umali sa isinagawang project presentation ng state-of-the-art New Bilibid Prison noong July 23, 2014.

Si Former Justice Undersecretary Francisco Baraan at Former Governor Aurelio Umali sa isinagawang project presentation ng state-of-the-art New Bilibid Prison noong July 23, 2014.

   Matatandaan na ang proyekto ay itinulak sa panahon ng termino ni dating Pangulong Benigno Aquino III habang Justice Secretary naman noon si Senator Leila de Lima.

   Nakikita ito bilang solusyon sa problema ng nagsisiksikang 26,000 inmates sa Muntinlupa, at 2,000 bilanggo sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.

   Inaprubahan ni Former Governor Aurelio Umali ang proyekto dahil lilikha ito ng mahigit 53, 000 na trabaho at inaasahang mabibigyan ng oportunidad dito ang mga Novo Ecijano.- ulat ni Clariza de Guzman