Nakasuot ng face mask at panyo ang mga tricycle driver sa Cabanatuan City pamprotekta sa alikabok sa kalsada.

Nakasuot ng face mask at panyo ang mga tricycle driver sa Cabanatuan City pamprotekta sa alikabok sa kalsada.

     Problema ng mamamayan at mga motorista sa Cabanatuan City ang alikabok dulot ng banlik na iniwang bakas ng pagbaha noong kasagsagan bagyong Lando.

     Kapansin-pansin ang mga tricycle driver na nakasuot ng face mask mask o nakatakip ng panyo ang ilong at bibig para maiwasang makalanghap ng alikabok.

     Halos magdadalawang lingo na ang nakakalipas ng manalasa si Lando at sumikat ng muli ang haring araw ay hindi pa rin nalilinis ang mga pangunahing kalsada na nabalot ng banlik katulad ng Maharlika Highway.

Perwisyo sa mga motorista sa Cabanatuan ang matinding banlik o natuyong putik sa kalsada na iniwang bakas ng baha dulot ng bagyong Lando

Perwisyo sa mga motorista sa Cabanatuan ang matinding banlik o natuyong putik sa kalsada na iniwang bakas ng baha dulot ng bagyong Lando

Dagdag pa sa pinoproblema ng mga motorista ang matinding pagsisikip ng trapiko tuwing rush hour.

   Dahil sa nasira ang Vergara hi-way ay hindi kayang dumaan ng mabibigat at malalaking sasakyan kaya pansamantalang ipinasara ito at naglaan ng mga alternatibong ruta.

     Nananawagan ang mamamayan na sana naman ay magsagawa ng clearing operations ang Pamahalaang Lokal ng Cabanatuan upang hindi na sila maperwisyo. -ulat ni Clariza de Guzman