Iba’t ibang proyekto ang patuloy na ipinagkakaloob ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Talavera sa pambansang samahan na Kilusan ng Uring Anak Pawis o KUA.
Ayon kay Talavera Mayor Nerivi Santos-Martinez, ang layunin ng kua na isulong ang kapakanan ng mga mahihirap na mamamayan ang nagtulak sa kanila upang patuloy itong suportahan.
Pangunahing proyekto na ipinagkaloob ng munisipyo sa naturang samahan ang livelihood project na hanggang ngayon ay patuloy na tumutulong sa mga mahihirap na taong-bayan.

TULOY PA RIN ANG SUPORTA NI TALAVERA MAYOR NERIVI SANTOS-MARTINEZ SA KILUSAN NG URING ANAK PAWIS TALAVERA CHAPTER.
Kamakailan lamang ay dumagsa sa Brgy. San Pascual Gymnasium ang mahigit isang libong miyembro ng kilusan na nagmula pa sa iba’t ibang barangay ng bayan ng Talavera para sa kanilang
2ND General Assembly.

DUMAGSA ANG MGA MIYEMBRO NG KUA SA SAN PASCUAL GYMNASIUM, TALAVERA UPANG MAKIISA SA 2ND GENERAL ASSEMBLY NG KANILANG SAMAHAN.
Dito ipinagmalaki ng National Chairman ng KUA na si Carl Nava ang magandang relasyon nito sa lokal na pamahalaan ng Talavera, na itinuturing nilang powerbase sa lalawigan, maging ang patuloy na paglawak ng kanilang samahan sa iba pang bayan.
Ang KUA ay isang pambansang samahan na binubuo ng iba’t ibang sektor ng anakpawis sa Pilipinas na nagsusulong ng sosyalisamo bilang panlipunang sistema na naglalayong wakasan ang kahirapan sa bansa..
Matatandaan na nagsimula ang chapter ng KUA sa Talavera noong Oktubre nang nakaraang taon.- ULAT NI JANINE REYES.