
Gabaldon Mayor Rolando S. Bue
Nakiisa sa selebrasyon ng Arbor Day ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Gabaldon sa pangunguna ni Mayor Rolando Bue sa pamamagitan ng tree planting sa paanan ng Mt. Minggan sa barangay Sawmill na nasasakop ng Sierra Madre Mountain Ranges
Nagmula sa salitang Latin na Arbor na ang ibig sabihin ay puno ang Arbor Day na ipinagdiriwang sa maraming bansa sa buong mundo na kadalasan ay sa panahon ng tagsibol depende sa klima ng lugar na angkop sa pagtatanim ng mga puno.

The local government unit of Gabaldon planted a total of 520 trees in celebration of the annual Arbor Day
Nakapagtanim ng kabuuang limandaan at dalawampong puno ng Mahogany at Mulberry sa bundok sina Mayor Bue, at Vice Mayor Jobby Emata, kasama ang Sangguniang Bayan members, mga empleyado ng Munisipyo, mga kinatawan mula sa DILG Regional Office, barangay officials ng Sawmill at samahan ng mga pastor sa Gabaldon.
Noong nakaraang taon ay nakapagtanim na rin umano ng anim na raang puno ang local government sa kaparehong site at ngayon ay inuubos na lang ang natitirang seedlings bago palitan ng mga namumungang punong-kahoy at native trees.
Hinihikayat ni Mayor Bue ang mga kababayan na sama-samang magsikap na pangalagaan ang likas na yaman at ganda ng Gabaldon na nakikilala hindi lamang sa buong Pilipinas kundi maging sa ibang bansa bilang isang tourist destination.- ulat ni Clariza de Guzman