Opisyal ng ipinakilala sa media ang dalawampu’t apat na kalahok ng taunang Binibining Nueva Ecija 2015, sa ginanap na Press Presentation sa SM Megacenter.
Matapos salain at sumailalim sa mahigpit na screening, ay isa-isa ng humarap sa media ang bawat kalahok na nagmula sa iba’t-ibang bayan at lungsod ng lalawigan.
Ismarteng sinagot ng bawat kandidata ang mga katunangan na ibinato sa kanila ng media.
Inabangan at kinasabikan ng mga manunuod, ang pagrampa ng dalawamput apat na naggagandahan at nagsesiksihang mga kandidata suot ang kanilang casual attire.
Kabilang na ang lungsod ng Cabanatuan, bayan ng Zaragoza, Science city of Muñoz, Quezon,Gen. Tino, Llanera, Sta rosa, Rizal, Nampicuan, Gapan city, Licab, Guimba, Palayan city, Peñaranda, Talavera, San jose city, Cabiao, Sto domingo at bayan ng Cuyapo.
Ang Binibining Nueva Ecija ay bahagi ng taunang selebrasyon ng Unang Sigaw ng lalawigan.
Ayon kay Tina Wycoco, head ngPprovincial Tourism Office, inilarawan niya ang patimpalak na simple ngunit elegante.
Sa ngayon ay kinasasabikan na ng mga manunuod ang mga ipapakitang talento ng mga kandidata sa talent competition sa August 8, na gaganapin sa SM Megacenter. Habang, idaraos ang Grand Coronation sa September 1, sa Convention Center, Palayan City. -Ulat ni Danira Gabriel