Ilulunsad na ang 2017 Christmas ID Station ng TV 48 na may mensahe ng pagpapalaganap ng malasakit sa kapwa. Silipin ang ilang mga eksena sa Christmas ID ng TV 48 na pinamagatang “Malasakit Ngayong Pasko”.

Governor Cherry Umali, ipinadama ang pagmamahal sa mga Novo Ecijano.
Ipadama ang pag-ibig sa kapwa sa pamamagitan ng malasakit, ito ang mensaheng ipinahahatid ng Christmas Station ID ng TV 48 para sa mga Novo Ecijano sa nalalapit na kapaskuhan.
Kasama sa lyrics ng kanta na kapos man sa buhay ay hindi ito hadlang upang makatulong sa kapwa, kahit na sa simpleng pagbabahagi ng kaunting biyaya at kawang gawa.
Ang naturang Christmas Station Id ay may pamagat na “Malasakit Ngayong Pasko” na isinulat at nilapatan ng musika ni Ezer Maducdoc.
Inspirasyon ni Ezer sa pagkatha ng kanta ang ina ng lalawigan ng Nueva Ecija na si Governor Cherry Umali dahil sa mga programang kanyang isinasagawa para sa mga Novo Ecijano.
Nagsama-sama ang mga mang-aawit ng TV 48 na kinabibilangan nina Amber Salazar, Jovelyn Astrero, Getz Rufo Alvaran, Angelo Mendoza, Ronald Lugtu at maging ang inyong lingkod upang awitin ang nasabing station id.
Kabilang din sa umawit ang ilang miyembro ng Alunzina Band na sina Abbie Garcia, Guido Villanueva Jr. at Ezer Maducdoc.
Ilan sa mga nagsiganap din sa music video ay sina Jane Artates, Jashlyn Kim Rivera, Jeric Rivera at Philip “Dobol P” Piccio.
Nagsimulang gumawa ng Christmas theme song ang TV 48 noong 2011 hanggang sa kasalukuyan na tumatak sa puso ng mga Novo Ecijano.- Ulat ni Shane Tolentino