Team San Isidro at San Leonardo, matinding bakbakan ang ipinamalas

Team San Isidro at San Leonardo, matinding bakbakan ang ipinamalas

Nagtagumpay ang Team San Leonardo ng South District na depensahan ang kanilang kartadang 8-0 sa 1st Governor’s Cup Inter Town Basketball Tournament kontra sa Team San Isidro na nagtapos sa iskor na 94-93.

Matinding bakbakan ang ipinamalas ng mga manlalaro ng bawat koponan noong Sabado,unang araw sa buwan ng Agosto sa General Tinio Gymnasium.

Sa pamamagitan nina Concepcion, Salvatierra at Bagon, nagtulung-tulong ang mga key player ng San Leonardo upang hindi bumaba sa sampung puntos ang kalamangan simula 1st to 3rd quarter.

 

Team San Isidro, nabuhayan ang loob pagtuntong ng 4th quarter

Team San Isidro, nabuhayan ang loob pagtuntong ng 4th quarter

Subalit pagtuntong ng 4th quarter, nabuhayan ang loob ng Team San Isidro dahilan upang dikitan nito ang kalamangan ng San Leonardo.

Sa oras na 8:03 seconds, bumaba na sa limang puntos ang lamang nito.

Nakipagsabayan ang Team San Isidro sa Team San Leonardo matapos ma-fouled out si Gibb Pestano, rebounder ng San Leonardo ma-injured si Harold Cumbe.

Pinamunuan nina Edgie Jejillos at Ronilo Gonzales ng Team San Isidro ang pag-atake upang bumaba sa tatlong puntos ang lamang, 80-77 sa oras na 4:14 seconds.

Salvatierra, binawian ng 3-point shot ang San Isidro

Salvatierra, binawian ng 3-point shot ang San Isidro

Pinaulanan ni Jejillos ng 3-point shot ang kalaban at tuluyang dumikit ang iskor sa 89-90 sa natitirang 39 seconds.

Hindi nagpabaya ang Team San Leonardo at binawian ni Salvatierra ng 3-point shot para tumabla sa tropang San Isidro sa nalalabing 16.3 seconds sa iskor na 92-92.

Nakakuha naman ng foul si Lenel Isip ng San Isidro kay Bagon jersey number 16 ng San Leonardo at binigyan ng 2 free-throws si Isip ngunit nagmintis sa isang basket.

 

Salvatierra, nakakuha ng foul sa pagtatapos ng 4th quarter

Salvatierra, nakakuha ng foul sa pagtatapos ng 4th quarter

Sa natitirang 6.8 seconds, itinawid pa ni Salvatierra ang bola at nakakuha ng foul mula kay Isip sa pagtatapos ng oras para sa 4th quarter.

Pasok sa basket ang dalawang free-throws na ibinigay kay Salvatierra at tuluyang naiuwi ang panalo laban sa San Isidro.

Ayon sa Coach ng San Leonardo na si Coach Maniego, nahirapan sila ng pumasok ang 4th quarter at aminadong nahirapan sa Team San Isidro.

Samantala, iba ang naging pananaw ng team San Isidro sa naging tawag ng referee na si Rouel Peña, miyembro ng Samahan ng Basketbolista ng Pilipinas o SBP.

Team Standing South District

Team Standing South District

Ipinaliwanag naman ni Ref Meng, kinatawan ng SBP ang naging katayuan ng mga referee sa naging laban ng San Isidro at San Leonardo.
Sa ngayon, nangunguna ang San Leonardo na may 9 na panalo at wala pang talo, susundan ng San Isidro na may 7 panalo at isang talo, Bongabon na may 7panalo at 2 talo, Cabanatuan na may 7 panalo at 2 talo, Gapan na may 5 panalo at 3 talo at Sta Rosa na may 4 na panalo at 4 na talo.- Ulat ni Shane Tolentino