Hopefully sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon,  magiging malaria free na ang Nueva Ecija. yan ang mga binitiwang salita ni Dr. Benjamin Lopez ng Provincial Health Office.

Sa loob ng 10 hanggang 15 araw, lumalabas ang mga sintomas ng malaria. Ayon sa kanya, ito ay at nakamamatay.

Ang mga unang sintomas nito ay kadalasang lagnat, pagsusuka, fatigue at pananakit ng ulo.

Kapag hindi ito nagamot kaagad ay maaari itong magtuloy sa seizures at kamatayan.

Sa taong 2011, umabot sa 9,154 cases ng malaria ang naitala kung saan 10 dito ang namatay.

Hindi man malaki ang death rate nito ay may kakayahan pa rin ang malaria na kumitil ng buhay ng tao. At dahil sa patuloy na pagtutulungan ng Provincial Health Office, Department of Health at Pilipinas Shell, naging dahilan ito upang mapababa ang kaso ng malaria sa bansa.

Sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon ay magiging malaria free na ang Nueva Ecija at inaasahang sa taong 2020 ay magiging malaria free naman ang Pilipinas.- Ulat ni Amber Salazar

[youtube=http://youtu.be/VpcCN5G6a3s]