Mga kalahok na siklista sa ginanap na Sikad Novo Ecijano 2015

Mga kalahok na siklista sa ginanap na Sikad Novo Ecijano 2015

Hirap umano noong makipagsabayan ang mga siklistang may edad sitenta pataas sa mga siklistang edad kwarenta hanggang singkwenta’y nuebe sa ilalim ng Master Category ng Sikad Novo Ecijano, kaya naman ngayong taon ay idinagdag na ng Pamahalaang Panlalawigan ang katergorya para sa mga senior cyclists.

Kung noong nakaraang taon ay bukas ang patimpalak sa kahit na sinumang nais sumali ngayon ay ginawa itong eksklusibo para sa mga siklistang Novo Ecijano.

Ngayong taon ay nahati sa apat na kategorya ang dalawang daang participants, kung saan ang hamon sa mga siklista sa ilalim ng Amateur at Master Category  ay bagtasin ang habang 128 kilometers, mula Freedom Park Cabanatuan, patungo sa mga ruta ng Talavera, Guimba, Quezon, Aliaga, Zaragoza, San Antonio, Jaen, San Isidro, Gapan, Sta Rosa, General Tinio, pabalik ng Cabanatuan City.

Nag-unahan sa pagtahak ang mga kalahok sa ilalim ng Professional Category sa habang 134 kilometers na dumaan sa mga ruta palabas ng Cabanatuan, Talavera, Santo Domingo, Muñoz, San Jose City, na umikot sa Rizal, Bongabon, Laur, Palayan, pabalik sa starting line.

Mas maikli naman ang kinailangang bagtasin ng mga participants sa ilalim ng Senior Category na mayroong habang 25 kilometers na may ruta paikot lamang sa Lungsod ng Cabanatuan.

Napagtagumpayan ngayong taon ni Angelo Bryant Licup na makuha ang kampeonato sa Amateur Category, na itinanghal bilang first runner up noong nakaraang taon sa ilalim ng parehong kategorya, habang nakuha naman ni Odelon San Pedro ang 1st runner up, at si Mario Ramirez ang itinanghal na 2nd runner up.

Amateur Category Winners, 2nd runner up Mario Ramirez (kaliwa), Champion Angelo Bryant Licup (pangatlo mula sa kaliwa), at 1st runner up Odelon San Pedro (kanan)

Amateur Category Winners, 2nd runner up Mario Ramirez (kaliwa), Champion Angelo Bryant Licup (pangatlo mula sa kaliwa), at 1st runner up Odelon San Pedro (kanan)

Ayon kay Licup na pitong taon ng nagbibisekleta, hindi siya tumigil upang makamit ang kampeonato, disiplina sa pagkain at tuloy tuloy na ensayo aniya ang kailangan upang maging malakas at matibay ang pangangatawan upang makatagal at maging matagumpay sa laban.

Nanalo naman bilang kampeon si Marcelo Felipe sa ilalim ng Professional Category, si Nelson Martin ang nakakuha ng 1st runner up, at hindi man muling nakamit ni Joel Calderon ang kampeonato ngayong taon, ay naiuwi pa rin nito ang tropeo para sa 2nd runner up.

Professional Category Winners, 2nd runner up Joel Calderon (kaliwa), 1st runner up Nelson Martin (pangalawa mula sa kaliwa), Champion Marcelo Felipe (kanan)

Professional Category Winners, 2nd runner up Joel Calderon (kaliwa), 1st runner up Nelson Martin (pangalawa mula sa kaliwa), Champion Marcelo Felipe (kanan)

Kampeon  naman sa Master Category si Edgardo Gregorio, 1st runner up si Gary Nuñez, 2nd runner up si Edwin Tagara, at sa Senior Category wagi si Marciano Nicolas, 1st runner up si Emiliano hipolito at 2nd runner up si Genaro Castro.

Master Category Winners, 2nd runner up Edwin Tagara (kaliwa), 1st runner up Gary Nuñez, at Champion Edgardo Gregorio (kanan),

Master Category Winners, 2nd runner up Edwin Tagara (kaliwa), 1st runner up Gary Nuñez, at Champion Edgardo Gregorio (kanan)

Ang mga top 3 winners ng bawat category ay nakatanggap ng tropeo at cash prize, habang ang top 4 to 10 naman ay nakatanggap ng medalya at consulation prize.

Senior Category Winners, Champion Marciano Nicolas (kaliwa), 2nd runner up Genaro Castro (gitna), at 1st runner up Emiliano Hipolito (kanan)

Senior Category Winners, Champion Marciano Nicolas (kaliwa), 2nd runner up Genaro Castro (gitna), at 1st runner up Emiliano Hipolito (kanan)