Hinimok ng Department Of Health at Dr. Paulino j. Garcia Memorial Hospital ang publiko na boluntaryong sumailalim sa Human Immunodeficiency Virus Testing kasabay ng pagdaraos sa National HIV Testing Week.

Paalala ng HIV-AIDS core team na sundin ang kanilang mensahe na ABCDEFG.

Ang letrang A para sa Abstinence na mensahe para sa mga kabataan o huwag munang makipagtalik upang hindi magkaroon ng HIV at maiwasan ang maagang pagbubuntis. Letrang B kung saan dapat maging tapat sa kinakasama.

Letrang C na gumamit ng kondom kapag makikipagtalik. Letrang D sa mga gumagamit ng bawal na gamot. Letrang E na dapat alam ng mga tao ang paraan kung paano mapipigilan ang nasabing sakit. Letrang F, na matutong maging responsible sa katawan at sa kinakasama kapag nakikipagtalik. At letrang G na dapat magpasuri upang malaman ang katayuan sa HIV.

Sa huling ulat ng DOH nitong February 2015, naitala na may 23,709 na positibo sa HIV at 26% ng mga ito ay nagkakaedad lamang ng 15 hanggang 24 anyos.

Taong 2007 nagsimula ang pagtaas ng kaso ng HIV sa bansa at isa sa mga dahilan nito ay ang mababang testing rate, dahil marami umanong tao ang takot na magpasuri sa pangambang maisapubliko ang kanilang HIV status.

Para sa libreng konsultasyon sa HIV, bukas ang pjg hospital tuwing araw ng Martes at Huwebes mula May 19 hanggang June 30.- Ulat ni Danira Gabriel