Nakiisa ang pamahalaang panlalawigan sa selebrasyon ng ika-40 taon ng National Disability Prevention and Rehabilitation Week na ginanap sa Palayan City sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng gupit, masahe, manicure at pedicure sa mga PWD o Persons With Disability.
Bukod sa pampering services na ibinigay ay dumalaw at nagbahagi din ng libreng miryenda at inumin ang Kitchen on Wheels mula sa pamahalaang panlalawigan.
Ang tema para sa taong ito ay “Kakayahan at Kasanayan Para sa Kabuhayan Tungo sa Kaunlaran” na dinaluhan ng hindi bababa sa 500 na miyembro ng Provincial Committee on Disability Affair o PCDA at SPED students galing sa iba’t ibang bayan sa lalawigan.
Ayon kay Ariel Sta. Ana, Persons with Disability Affairs Office Head dito sa lalawigan, layunin ng programang ito na iparamdam sa mga may kapansanan na hindi sila naiiba sa karamihan at hindi nila dapat ikahiya kung ano man ang mayroon sila.
Inanyayahan din ni Sta. Ana ang mga PWD na hindi pa rehistrado na magpatala sa mga PDAO office sa bawat bayan nang sa gayon ay malaman din nila ang mga pribilehiyo at benepisyo na maaari nilang matanggap.
Nag-iwan naman ng mensahe si Ariel para sa mga kapwa niya may kapansanan na nag-aalinlangang makisalamuha sa ibang tao.