Opisyal nang ibinigay ng Department of Trade And Industry o DTI at Municipal Government ng bayan ng Peñaranda ang mga modernong kagamitan sa paggawa ng palayok sa mga pottery maker ng naturang bayan.
Sa pamamagitan ng SSF Project o Shared Service Facility ng DTI, bottom up budgeting ng local government unit ng bayan ng Peñaranda at samahan ng mga manggagawa ng palayok ay nagkaroon ng memorandum of agreement upang makapag bigay ng trabaho at makilalala ang naturang bayan sa paglikha ng mga de kalidad na produkto ng palayok.
Ang bayan ng Peñaranda ay mayaman sa mga iba’t-ibang uri ng lupa, na kasalukuyang ngayong binibili ng mga malalaking kumpanya na gumagawa ng mga tiles.
Ayon kay Mayor Ferdinand Abesamis, nasasayang lamang ang mga natural resources sa kanilang bayan katulad na lamang ng pula at itim na clay na pangunahing sangkap sa paggawa ng mga palayok.
Magkatuwang na naglaan ng P400, 000 ang DTI para sa mixer equipments at P800, 000 ang LGU para sa itinayong lugar sa mga pottery maker.
Kaya naman, lubos ang naging pasasalamat ng nabenipisyuhan ng proyekto.
Ito na ang ika dalawamput tatlong SSF Project ng DTI mula noong taong 2013 at ika-anim sa labing-isang target ng ahensya sa taong ito.- Ulat ni Danira Gabriel
[youtube=http://youtu.be/bV8cNPF6oCw]