Kasabay ng pagdiriwang kahapon ng ika-limampo at anim na kaarawan ni Vice Mayor Reynaldo Cachuela ay nag-blowout ito sa kanyang mga kababayan dahil sa kanyang pagkakatalaga bilang bagong Mayor ng Talugtog.

Naupong alkalde si Cachuela matapos na maalis sa pwesto si Mayor Quintino Castillo dahil sa ibinabang desisyon ng Ombudsman para sa kasong Nepotism, Dishonesty, and Falsification na inihain ni Eugenia Umipig-Despuig.

Bagaman gumaganap na sa kanyang bagong tungkulin ay hinihintay pa rin umano niya ang susunod na hakbang ng kampo ni Caspillo na balitang naghain ng Temporary Restraining Order.

Inamin ng bagong Punong Bayan na hindi pa siya makagalaw sa kasalukuyan dahil hindi pa aniya naaaprubahan ang budget ng Pamahalaang Lokal ng Talugtog para sa ngayong taong 2015.

Mensahe ni Cachuela sa kanyang mga kababayan at mga kasamahang lingkod bayan, magtulungan sana sila sa pagse-serbisyo kahit magkakaiba man sila ng partido sa pulitika. -Ulat ni Clariza De Guzman