IKA 137TH Founding anniversary ng bayan ng Zaragosa naging makabuluhan pagkat nakipagkaisa ang mga mamayan doon sa ibat-ibang inihandang patimpalak at palaro na hatid ng kanilang lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayora Lally Belmonte Espiritu.

Nagsimula ang kanilang mga aktibidad para sa pagsalubong ng kanilang anibersaryo noon pang nakaraang pebrero na siyang magtatapos sa buwan ng abril.

Unang naganap para sa kanilang pista  ay ang Liga ng bayan, sumunod naman noong buwan ng marso ay Fun run, masayang natapos ang kanilang body builders o muscle showdown, sumunod pa ang araw ng magsasaka, nagkaroon din ng zaragosa idol 2015,dagdag pa ang Bb. Zaragoza 2015, at barangay night.

Sa pagkakataong ito ay aming nasaksihan ang isa sa tampok na  aktibidad na tinawag nilang DEPED Cultural Presentation kung saan dito pinagsama sama ang Elementary at High School students  at mga guro na magpakita ng talento.

Kakaiba ngayon ang naturang Cultural Presentation dahil bumida narin ang mga kaguruan na maipakita rin nila na hindi lamang sila tagapagsanay ng  kanilang mga estudyante kundi kaya ding magpakita ng angking galing sa larangan ng kultura.

Nahati naman sa Group 1,2, at 3 ang elementary teachers kung saan naging simbolo ng Luzon, Visayas  at Mindanao, upang ipakita ang kulturang Pilipino o ang nakaugaliang sayawin ng tatlong pulo ng pilipinas at dito nagwagi ang mga performers sa Group 1 o Luzon.

Sa kabilang banda nakita naman ang husay ng elememtarya sa Drum and Lyre Exhibition ito ay sa pakikiisa ng tatlong paaralan tulad ng Zaragosa Central School, San Isidro Central School, at Conception West Elementary School.

Nagkaroon din ng Cheer Dance Competition para naman sa secondary level at nakamit ng Zaragosa National High School ang titulo ng naturang hatawan.

Hiling naman ni Domigo Bernabe na siyang Tagamasid Purok ng bayan ng Zaragosa na mas maging matagumpay pa ang kanilang pista sa susunod na taon.

Ayon naman kay Mayor lally Belmonte na dapat lamang ipromote ang naturang mga programa sa kanilang bayan upang mas makilala ng mga kabataan doon kung anung kultura mayroon ang Zaragosa  at lalawigan ng Nueva Ecija.

Lubos naman ang pagpapaabot ng pasasalamat ni Mayor Lally Belmonte sa kaniyang mga mamayan ng zaragosa  ukol sa kanilang pakikipagkaisa sa lahat ng programa ng kanilang anibersaaryo. -ULAT NI BITUIN RODRIGUEZ

[youtube=http://youtu.be/QR86vA2C39Q]