Umabot sa dalawang 2,623 mag aaral ng Tesda ang nagsipagtapos sa buong lalawigan ng Nueva Ecija na ginanap sa NEUST Sumacab Campus Gymnasium.
Dinaluhan rin ito ng ilang mga kongresistang may mga nagtapos na iskolar ng TESDA. Kasama si Vice Governor GP Padiernos na naglahad din ng kanyang kagalakan sa pag tatapos ng mga estudyante.
Sa taong ito nasa 192 ang nakatapos na iskolar ni Congresswoman Cherry Umali para sa third district.
Ayon kay Secretary Villanueva ay may average na 1.5 million students ang nagsisipagtapos sa TESDA kada taon sa buong Pilipinas. Sa Lalawigan ng Nueva Ecija pa lamang sa taong 2014 ay umabot sa 39,664 students ang nag-enroll, 31,529 ang nakapagtapos at 19,943 o nasa 88% ang nagkaroon ng trabaho.
Kasama na dito ang mga PWD o persons With Disability at Indigenous People kung saan 25 PWD ang nag-enroll sa taong ito at dalawampu sa sa mga ito ay mayroon nang trabaho ngayon. Sa pagsisikap at tyaga ang puhunan ni Jay Ar Rutaquio, 30 taong gulang isang binata, at naging biktima ng polio noong spya ay dalawang taong gulang. Nag-aral sa TESDA Si Jay Ar at ngayon ay isa ng Hilot Massage Graduate ng TESDA.
Nagbigay naman ng mensahe si Secretary Villanueva para sa mga taong nangmamaliit sa mga TESDA graduates.
Bago matapos ang pagdiriwang isang magandang surpresa ang ibinalita ni Secretary Joel Villanueva sa mga estudyante.
Sa ilalim ng mga Special Training for Employment Program sa tulong mga mga kongresista ng ibat ibang distrito ay nabigyan ng kita ang mga nagtapos na mga mag-aaral na magagamit sa kanilang pagsisimula s paglinang sa kanilang mga kaalaman sa tulong ng TESDA.- Ulat ni Amber Salazar