Sa ikalawang pagkakataon ay muling naganap ang DC-SUC REGION III CIRPS o Developmental Council of State Universities 7 Colleges in Region III, Center for Inter-Institutional Research & Policy Studies sa NEUST Sumacab Cabanatuan City, kung saan sa taong ito ay may tema na “Showcasing Agricultural & Technological Skills Toward ASEAN Integration.”
Ang mga kalahok ay nagmula sa ibat-ibang paaralan tulad ng ASCOT, BASC, BPSU, BuLSu, CLSU,DHVTSU, NEUST, PSAU, PhilsCA, PMMA, RMTU, TCA, at TSU.
Dito ipinapakita ng mga mag-aaral ang kanilang kakayahan sa ibat-ibang kurso na kanilang kinuha sa pagiging kolehiyo.
Bawat kategorya ay may nakalaan lamang na limit ng oras kung kailan tatapusin ang bawat proyekto.
Siyam na paaralan ang nagpasiklaban sa floristry, pitong participants para sa cake decoration, sa market basket naman ay walong universities, kabilang naman ang siyam na kalahok para sa bartending, walong contestants para sa table setting, siyam na competitors mula sa fruit & vegetables carving at kasama rin ang mga kalahok sa fish deboning.
Sa bawat kategorya ay may ibat-ibang klase ng paghuhurado tulad na lamang sa fruit carving.
Para naman sa floristry mahalaga ang speed ng pag-aayos ng limang klase ng bulaklak at ilan pa sa mga criteria.
Very challenging naman ang hamon ng mga hurado sa market basket dahil sinubok ng mga ito ang mga kalahok sa ibat-ibang sangkap na gagamitin sa pagluluto.
Hindi rin biro ang pagsasagawa ng table settings dahil ito ay isa sa pinaghandaan ng mga kalahok upang maipakita ang kakayahan nila sa pagdedesign ng table tulad ng mga karaniwang nakikita sa pangkaraniwang catering o mga celebrations na may reception.
Nagbigay din ng mensahe para sa mga kalahok ang isa sa hurado ng table settings na si Zeliela Cusenera.
Tatlong Panalo ang nakamit ng TSU o Tarlac State University para sa Floristry, Cake Decoration, at Fish Deboning.
Sa table setting, bartending, at market basket naman nagwagi ang BulSu o Bulacan State University. Ulat ni Bituin Rodriguez
[youtube=http://youtu.be/RzvqsR0wovY]