Naging pasyalan ng mga Novo Ecijano ang main gate ng Central Luzon State University, dahil sa magagandang dekorasyong at christmas lights na nakapalibot dito.

Naging pasyalan ng mga Novo Ecijano ang main gate ng Central Luzon State University, dahil sa magagandang dekorasyong at christmas lights na nakapalibot dito.
Nagmistulang palasyo ang harap ng naturang paaralan dahil sa magagarbo at makukulay na mga palamuti nito.
Ayon kay Glen De Leon, tuwing mag papailaw ng christmas lights ang CLSU ay ipinapasyal nito ang kanyang mga anak upang masaksihan ang makikislap na mga dekorasyon dito, nagsisilbi na rin daw kasi itong bonding ng kanyang pamilya
Dagdag nito, ang dekorasyon na ito ay nakaka attract lalo na sa mga bata, simple man aniya pero elegante namang tingnan.
Mayroon ding nakapaskil na karatula dito kung saan nakalagay ang Pamaskong 4p’s na ang Ibig sabihin ay Pagpapatawad, Pagkakaisa, Pagmamalasakit at Pagtutulungan.
Sa pahayag naman ni Alicia Quiopas na taga Abar 2nd, ipinasyal nito ang kanyang mga apo sa naturang unibersidad upang masaksihan ang ganda ng ibat-ibang christmas lights, dahil para sa kanya, ang Pasko ay para sa mga bata.
Talaga ngang Paskong pasko na dito sa CLSU, kaya dinarayo ito ng mga Novo Ecijano para masilayan kung gaano kaganda dito na maging tambayan para sa nalalapit na Kapaskuhan.

Dinarayo ang Harap ng unibersidad sa magagandang christmas lights at magandang maging tambayan ng mga pamilya
-Sa Ulat ni Phia Sagat