Naging inspirasyon ng mga empleyado at mamamayan ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Gapan ang Unang Ginang ng Lalawigan ng Nueva Ecija na si Congresswoman Cherry Umali matapos itong dumalo sa kanilang flag ceremony nitong Lunes, ika-dalawampu’t tatlo ng Marso, sa Gapan City Hall.

Ayon kay Arlin Alacon, humanga sila sa pagiging ‘’on-time’’ lagi ng kongresista sa tuwing bibisita ito sa kanilang lungsod.

Bukod pa rito, naging masaya ang lahat ng empleyado mula sa iba’t ibang departamento, mga kapitan ng lahat ng barangay, mga konsehal ng bayan at si Mayor Maricel Natividad-Nagaño dahil sa pagdalaw at walang sawang pagmamahal ng kongresista sa kanilang lungsod.

Nabatid na noong nakaraang linggo ay dinalaw rin ng kongresista ang lungsod upang magbigay ng mga construction materials sa mga barangay para sa pagpapagawa ng iba’t ibang proyekto.

Ayon kay Congresswoman Cherry, sensitibong nakikinig sa mga hinaing ng bawat Novo Ecijano ang Pamahalaang Panlalawigan kung kaya’t gagawin nila ang lahat para sa ikagaganda ng bawat bayan at buong lalawigan.

Samantala, naging bahagi rin ang kongresista sa pagbibigay ng natatanging pagkilala sa mga kapulisan ng Gapan City dahil sa kanilang sunud-sunod na tagumpay sa mga isinagawang buy-bust operations kontra sa ilegal na droga. –   Ulat ni Janine Reyes.

[youtube=http://youtu.be/zh–gzSUJZY]