Sa ika lawang taong pagpapailaw ng Christmas Tree ng labing walong barangay ng bayan ng Zaragoza na gawa sa ibat ibang Recycled Materials, ngayong taon ay naging bahagi nadin ng patimpalak ang lahat ng public at private schools ng naturang bayan para sa pagpapailaw ng mga Lanterns.
Sa kauna unanahang Lantern Competition sa bayan ng Zaragoza nakamit ng Zaragoza christian Academy ang 3rd Place, 2nd place ang Vicentian Catholic Academy at naiuwi ng Fb Mesina Elementary School ang kampeonato.
Ayon kay Maricel Ocampo, Teacher ng Fb Mesina Elementary School gawa sa yantok, kawayan, plastics bottles, ang kanilang parol upang mabuo ito.
Nagpapasalamat siya sa lahat ng Teachers at Parents ng kanilang mga mag aaral dahil doon nila naipakita ang kanilang pagrtutulungan, pagkakaisa, creativity o pagiging malikhain at pagiging responsible sa ikakaganda ng kanilang lantern.
Pagdating naman sa Christmas Tree Competion 3rd Place ang Barangay San Vicente na nag uwi ng Sampung Libong Piso 2nd Place ang Barangay H. Romero na nagkamit ng Dalawang Pung Libong piso at muling naiuwi ng Barangay Valeriana ang kampeonato sa ikalawang pagkakataon at tinanggap ang tumataginting na Tatlongpung Libong Piso.
Gawa sa pinag tabas-tabas na bote ng Downy, zonrox, pertron diesel, ang ginamit nila sa kanilang christmas tree.
Ayon kay kapitan Bong Sadian ngBbarangay Valeriana, dalawang linggo lamang nilang binuo ang kanilang christmas tree kung saan labing walong mga kabarangay niya ang nagtulong-tulong. Umabot lamang sa 2960 ang nagasto para dito.
Laking pasasalamat niya sa lahat ng nagtulong tulong upang mapagtagumpayan muli ang kanilang pagkapanalo at kay Mayor Laly Belmonte dahil sa ganitong klase ng aktibidad.
Sa panayam ni Agustin Liwag Municipal Administrator of Zaragoza ang layunin ng naturang event ay para imulat ang mga mamamayan na hindi lahat ng basura ay wala ng pakinabang, gamitin pa ang mga kapakipakinabang pa upang sa gayon ay mabawasan ang itinatapon na pasura na binabayaran pa ng municipio.
Maagang pamaskong pabati naman ang ibinigay nito sa lahat ng mamamayan ng zaragoza.
Samantala, kasabay nito ipinagdiwang din ang ika apat na put limang kaarawan ng tinaguriang ina ng bayan ng Zaragoza nasi Mayor Lally Belmonte.
Nagmala Food Park naman ang kanyang party, ibat-ibang pagkain ang inihandong ng birthday celebrant para sa mga empleyado at mamamayan ng naturang bayan.
Hindi magkamayaw ang mga tao dahil sa mga pagkain na pwede mong kainin. -Sa Ulat ni Phia Sagat