Regular na nagsasagawa ng misa at nagpapahid ng banal na langis sa mga pasyente ng District Hospital ng bayan ng Sto Domingo, ang Kura Paruko ng St. Dominic Parish.

Tuwing huling araw ng biyernes kada buwan, ay binibisita ni Rev. Fr. Menardo Matividad ang mga kwarto ng ospital at isa-isang pinapahiran ng Santo Olyo ang bawat pasyente.

Ayon kay Fr. Natividad, walang pinipili ang pagsisilbi niya sa mga tao lalo na sa mahihirap.

Ang pagpapahid ng banal na langis, ay ang paglalagay ng langis ng Oliba sa ulo ng isang taong may sakit man o wala.

Kaya naman, itinuturing na malaking biyaya ng Sto Domingo District Hospital, ang serbisyong ibinibigay ni Fr. Natividad para sa kanilang mga pasyente.

Para kay Aling Patricia, lubos umano siyang nagpapasalamat kay Fr. Natividad dahil malaking tulong para sa mga katulad niyang may sakit ang mabigyan ng moral at spirituwal na suporta. Ulat ni Danira Gabriel