Ilang mga phobia ang talaga namang kakaiba at dapat masolusyunan. Ito ang ilang mga phobia na maaaring hindi mo nais na magkaroon ka.
Ang Ablutophobia ay ang phobia sa paliligo, kung ikaw ay takot sa tubig at takot maligo maaaaring meron ka nito. Maaari ding meron kang Hydrophobia kaya ka nakakaranas ng takot sa paliligo.
Kung ikaw naman ay takot sa buhok na siguradong mahirap iwasan maaaaring meron kang Chaetophobia.
Ang Cibophobia ay maaari din may kinalaman sa anorexia dahil ang phobia na ito ay may kinalaman sa takot sa pagkain.
Di mo man maiiwasan ang pag tanda ay maraming tao ang takot dito at maaaring mayroon silang Gerontophobia na maaari ding maging dahilan ng galit o takot sa mas nakatatanda.
Ang Heliophobia naman ay takot sa araw. Isang kakaibang phobia na maaaring manggaling sa panonood ng vampire movies at takot sa mga sakit sa balat kung sakaling ikaw ay maaarawan ng matagal.
Delikado rin ang Hypnophobia o takot sa pag tulog. Naitala ang pinaka malaking kaso nito ng ipinalabas ang Nightmare On Elms Street kung saan si Freddie Krueger ay pumapatay ng tao kapag ikaw ay nakatulog. Weird man para sa ilan ay marami ang naapektuhan nito na nag resulta sa hindi pag tulog ng mga nakapanood ng palabas na ito.
Nakakatakot din Angpanphobia dahil ito ay takot sa lahat ng bagay sa hindi malamang kadahilanan.
Para sa malalamig na lugar delikado ang pagkakaroon ng Thermophobia o takot sa init o pakiramdam nang naiinitan. Maaari itong mauwi sa karamdaman o di kaya naman ay hypothermia.
Nakakatawa man ang ilang phobia o di kaya naman ay hindi kapani paniwala ang tanging solusyon ay gamutin ito at tanggapin na kailangan mo ng tulong upang malagpasan ang nararamdamang takot.
Psychological o nsa pag-iisip ng isang tao nag mumula ang phobia. Maaaring dahil sa isang pangyayari, palabas sa telebisyon, o isang balita ang tumatak sa tao na naging dahilan upang magkaphobia ito.
May mga pagkakataon din na hindi man maalala ng isang tao kung bakit sya nakakaranas ng phobia ay patuloy namang nirereject ng katawan ng tao ang isang bagay dahil sa ayon sa ilang mga eksperto ay maaari diumanong may body memory ang katawan ng isang tao o naaalala nito ang naramdamang sakit o ibang bagay na nangyari dito.
Sa kabila ng lahat ng masasama at hindi kaaya-ayang alaala, ang pag hingi ng tulong ang pinaka magandang paraan upang mawala nang tuluyan ang phobia na iyong nararamdaman. – Ulat ni Philip “Dobol P’ Piccio