Naging panandalian lamang ang pagsasaya ng masigurado na Ebola free na ang Dallas nurse na si Nina Pham dahil naitala naman ang unang kaso ng Ebola sa New York ngayong taon.

Si Nina Pham ay isa sa mga Nurse na gumamot sa ebola patient na si Thomas Eric Duncan. Pinaghihinalaang ang hindi pagsunod sa protocol ang naging dahilan upang mahawa si Pham kay Duncan.

Naging dahilan ng kamatayan ni Duncan ang Ebola at positibo pa itong nakapanghawa. Isa sa mga ginawang procedure upang  masagip si Pham ay ang pagsasalin ng dugo ng mga ebola survivor  at ngayon nga ay kumpirmado na ebola free na si Pham.

Bumisita pa sa white house si Pham at niyakap pa ito ng president ng Estados Unidos Barrack Obama.

Gayunpaman panandalian lamang ang naging kasiyahan sa balitang ito ng nakumpirma ang pagkakahawa ni Dr. Craig Spencer ng Ebola.

Nanggaling sa Gunea si Dr. Spencer kung saan nito nakuha ang killer virus at isang Linggo matapos nitong makauwi sa New York ay nakaramdam na ito ng pagkahilo at nagsusuka na rin agad. Tumawag si Dr. Spencer sa mga health care officials kung saan nakumpirma na positibo sa ebola si Spencer.

Ikin-warantine naman ang nobya ng doctor at dalawang kaibigan nito na kasama nito sa kanyang tahanan. Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pag-oobserba sa nobya at kaibigan ni Spencer kung ito ba ay nahawa ng Ebola.

Hindi airborne ang Ebola o kayang maglakbay sa hangin ngunit ang laway, dugo, suka at dumi ng isang taong may Ebola ang may pinakamataas na tsansa na makahawa ng virus na ito sa ibang tao.

Naging mas maingat naman ang bansang Canada sa mga pagpasok ng mga health care workers na tumulong sa pag sugpo ng Ebola sa West Africa. – Ulat ni Philip “Dobol P” Piccio