Pumalo na sa walumpo at limang katao ang naitala ng Department of Health na firecracker-related injuries sa lalawigan as of January 5, 2015.

Dalawampo at apat ay mula sa Cabanatuan City, labindalawa ang mula sa Science City of Muñoz, at sampo ang sa San Jose City.

Pinaka maraming bilang ng nabiktima ng paputok ang mga nasa edad labing-isa hanggang dalawampong taong gulang na umabot sa tatlumpo at lima. Sumunod ang mga nasa edad sampo pababa na nakapagtala ng dalawampo at limang biktima.

Pitumpo dito ang lalaki at labinlima ang babae.

Limampo at anim sa mga biktima ang sila mismo ang nagpaputok samantala dalawampo at siyam ang aksidenteng naputukan lang.

Minor injuries lang halos ang tama ng mga biktima, lima ang naputulan o natanggalan ng bahagi ng katawan, at pito ang nasugatan sa mata.

Pinaka karaniwang firecracker na naging sanhi ng injury ng mga nasabugan ang Piccolo at Kwitis.- Ulat ni Clariza De Guzman