Patuloy na dumarami ang kaso ng ebola sa West Africa, ito ang ibinalita ng World Health Organization bago matapos ang taon. Sa 476 panibagong kaso ng Ebola 337 dito ay galing sa Sierra Leone.

As of December 24 ay nadagdagan ng 317 katao ang ginupo ng Ebola.

Sa Britanya isang nurse ang na diagnose na may Ebola, isang lingo matapos nitong umuwi galing sa Sierra Leone, binibigyan na ito ng blood plasma galing sa mga Ebola survivor at  mga experimental medicine.

Habang isang American health care worker naman ang naka sailalim sa biocontainment unit matapos itong ma expose sa Ebola. 21 araw isasailalim sa quarantine ang health care worker upang masigurado na hindi ito nahawa ng Ebola.

Ayon kay Dr Phil Smith, Medical Director of the biocontainment unit at Nebraska Medicine:

“This patient has been exposed to the virus but is not ill and is not contagious However, we will be taking all appropriate precautions. This patient will be under observation in the same room used for treatment of the first three patients and will be carefully monitored to see if Ebola disease develops.,”

Hindi pa rin nakakahanap ng lunas sa Ebola at patuloy pa rin ang pag kalat nito. Para naman sa kaligtasan ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) ay itinigil na ang deployment sa mga lugar na kontaminado ng Ebola. Sa ganitong paraan ay  malaki ang tsansang walang pinoy na madadapuan ng Ebola.

Para naman sa mga Pilipinong uuwi ng bansa galing sa mga lugar na may Ebola ay kailangan muna nitong magkaroon ng  medical clearance at sumailalim  sa 21 days quarantine bago tuluyang makapasok sa bansa. -Ulat ni Philip “Dobol P” Piccio