Ang mga vaccine ay tumutulong upang mapalakas ang immune system ng isang tao sa ganitong paraan ay maaaring malabanan ng katawan ang iba’t ibang infectious agents na maaaaring sumira dito.
Pagdating sa sakit na cancer ang iba’t ibang vaccine ang isa sa pinaka epektibong paraan upang mapalayo sa nakapamiminsalang sakit na ito.
Ang immune system ng isang tao ang mga organs, tissues at cells na ang trabaho ay depensahan ang katawan sa iba’t ibang foreign microbes na maaaaring makasama dito. Sinisira at inaalala ng immune system ang mga microbes na ito upang hindi na makapaminsalang muli sa katawan sa mahabang panahon.
Ang mga traditional vaccines ay naglalaman ng mga mas mahina o di naman kaya ay parte ng isang microbe. Dahil parte lamang o kaya’y mahinang microbe ang isasaksak sa isang tao ay malaki ang tsansa na makaya nitong depensahan ang katawan at dahil dito ay maaalala na rin ng immune system ang uri ng microbe na ito at magagawa na nitong malabanan ang microbe upang hindi na kumalat pa sa katawan ng tao.
Kaya rin ng immune system na puksain ang mga damaged, diseased at abnormal cells kabilang na ang mga cancer cells.
Sa Estados Unidos, pinapagayan na ang mga preventive cancer vaccines katulad ng Hepatitis B Virus at Hepatitis C Virus Vaccine para sa Liver Cancer. Human papilloma Virus para sa Cervical Cancer, Vaginal Cancer, Vulcar Cancer, Oropharyngeal Cancer, Anal Cancer at Penile Cancer. Epstein Barr Virus para sa Cancer of the the Throat. Kaposi Sarcoma-Associated Herpes Virus. Human T cell Lymphotropic Virus Type 1 para sa Leukemia. Helicobacter Pylori para sa Stomach Cancer. Schistosomes para sa Bladder Cancer at Liver Flukes para sa Cancer of the Liver.
Dito sa ating bansa ay may ilang uri na rin ng mga Cancer Vaccine ang maaaring ipasaksak. Dapat lamang hingin ang opinion ng inyong doktor para dito.
Lagi nating naririnig na prevention is better than cure, kaya naman hanggat mapapanatiling healthy ang ating katawan maging bata man o matanda ay mas malaki ang tsansa na tayo ay hindi dapuan ng malalang karamdaman- Ulat ni Philip “ Dobol P “Piccio