Isa sa pino-problema lalo na ng mga magulang ay ang adiksyon ng mga kabataan  na may kinalaman sa mga gadgets ngayon. Ano nga ba ang iba’t ibang paraan upang matigil ang adiksyong ito?

Ang online gaming, chatting at iba’t ibang bagay na pwedeng gawin gamit ang iba’t ibang gadget ay isa sa pinaka kinalolokohan ngayon.

Ang computer lalo na ang paggamit ng internet ay isang bagay na parte na ng buhay ng karamihan sa atin, maging ito man ay upang makipag-usap sa ating mga mahal sa buhay, pagpapalipas ng oras , trabaho , at pag-aaral.

Ang sobrang paggamit ng iyong gadgets na wala namang kinalaman masyado sa iyong pang-araw-araw na gawain at buhay at pagiging iritable kapag hindi nakakapag-online.

Gayunpaman para sa mga nakakanas nito naisin man nilang tigilan ang adiksyong ito ay hindi ito madaling gawin.

Kaya naman ito ang ilang paraan upang paunti-unti ay mawala na ang adiksyon sa computer.

Una, kailangan mo munang malaman ang dahilan ng iyong adiksyon.

Dito pa lamang at maaari mo nang mapahupa ang iyong adiksyon. Ang pagtakas sa problema ang isa sa mga  dahilan kaya nagkakaroon ng adiksyon ang isang tao. Ang stress at depresyon ay isang malaking dahilan kaya naman nadedevelop ang adiksyon ng isang tao.

Ang paglalaro ng online ay maaaring gawing reward sa mga kabataan. Ang paggawa ng kanilang homework at mga kailangang gawin sa bahay ay makakatulong upang mas maging responsable ang mga kabataan.

Mag set lamang ng oras sa paglalaro, sa ganitong paraan ay maaari nang ma-monitor ang oras ng pag-oonline at hindi na ito makakaapekto sa iba pang mga gawain.

Maghanap ng  ibang mapaglilibangan katulad ng iba’t ibang uri ng sports. Ang adiksyon sa computer ay maaaring maging dahilan ng iba’t ibang problema sa kalusugan dahil sa kawalan ng ehersisyo.

Ang pagbibigay ng oras sa iba pang gawain ay makakatulong upang maiwas ang atensyon ng isang tao sa kanyang kinakaadikan.- Ulat ni Philip “ Dobol P” Piccio