“Cabanatuan bakers’ paradise”
Nagsisimula ka mang matuto ng baking, isa nang ekspertong baker o nagpapatakbo ng bakeshop sa Cabanatuan, magmimistulang isang paraiso sa ‘yo ang Bake Central na kung saan ang mga pinangarap mong sangkap, gamit at kaalaman para sa pag-bake ay nasa isang bubong lamang. “One-stop shop” ekanga, at ito ang layon ni Ms. Cherry Mae Interior nang simulan niya ang pagpapatayo ng Bake Central nitong Abril, 2014.
“Bata pa lang ako, mahilig na talaga akong mag-bake. Kaya lang pansin ko noon pa lang na ang hirap maghanap ng mga sangkap at gamit sa Cabanatuan dahil karamihan sa mga ito kailangan pang angkatin mula Maynila o Pampanga. Nang makapag-ipon ako, hetong Bake Central na talaga ang pinangarap kong magkaroon sa Cabanatuan,” ani Mae.
Nang maitayo ang Bake Central, hindi inakala ni Mae na marami pala talagang Cabanatueno na interesado sa baking at ilan pa nga ay tanyag sa kanilang mga cakes and pastries at may sariling mga bakeshop tulad na lamang ng Edna’s Bakeshop, House of Pink, Kupcake Ave., atbp. Gayundin ang hinaing nila, ang limitadong supply ng mga baking ingredients at equipment sa Cabanatuan. Dahil dito, nagsilbing sagot sa mga hiling nila at melting pot ang Bake Central ng mga beterano at baguhang bakers na taga-Cabanatuan.
“Abangan din ng mga Cabanatueno ang free baking seminar ng Bake Central na hangaring humikayat ng mga bagong henerasyon ng mga bakers. Ito ay sa pakikipagtulungan ng Bakels Philippines,” dagdag pa ni Mae.
First-come, first-served ang pagrerehistro sa naturang baking seminar at marami pang dapat abangan na balakin ng Bake Central.
Kapag hindi naman abala sa pamamalakad ng Bake Central, nagbe-bake din para sa mga kaibigan o kaya’y by special request si Mae na ang specialty ay delicate cakes. Specialists din sa fondant cake at buttermilk cake ang mga kasamahan niya sa Bake Central.
Upang makipag-ugnayan sa Bake Central at para malaman ang mga klase ng baking ingredients, supply at equipment na mayroon sila:
Tumawag sa: +63917-7209968
Bumisita sa: Stall #11, Mabini Arcade, Sangitan West
Mag-email sa: guillanaspastries@yahoo.com.ph