Ang pagmamahal ang isa sa pinakamagandang uri ng pakiramdam sa mundo. Ngunit alam nyo ba na hindi lahat ng tao ay gusto ang pakiramdam na ito?

Ito ang ilang uri ng phobia na my kinalaman sa pagmamahal. Ang mga taong may xocolatophobia, nakakaranas ng takot sa chocolate, isang kilalang uri ng regalo para sa mga  nanliligaw.

Philematophobia, ang takot sa paghalik o mahalikan, may kakaibang takot na nararamdaman ang taong ito kapag may gustong humalik sa kanya.

Para naman sa mga taong may cardiophobia, pahirap ang Valentine’s Day dahil sa takot nila sa drawing at pictures ng puso.

Anthrophobia naman ay ang takot sa bulaklak. Maaaring isang simpleng bagay lamang ito para sa ilan, ngunit ang isang pirasong bulaklak ay sapat na upang maging hindi komportable ang nakakaranas ng anthrophobia.

Takot namang mahawakan ng ibang tao ang mga taong nakakaranas ng haphephobia.

Habang ang ilan sa mga phobia na ito ay paiwas sa pag –ibig, ang lalaking nakakaranas naman ng anuptaphobia ay takot maging single. Kung ikaw ay may kakilalang laging In A Relationship, may tsansang sila ay nakakaranas ng ganitong uri ng phobia.

Sa kasamaang palad, mayroon ding mga taong nakakaranas ng Gamophobia. Ito ang  takot sa pagpapakasal. Ang mga taong nakakaranas nito ay may takot na magpakasal. Maaaring hindi alam ng isang tao na siya ay nakakaranas ng Gamophobia at ipinagpapalagay lamang na ayaw nitong magpakasal at maging single habang buhay.

Kakaiba man ang mga phobiang ito, ay hindi naman ito imposibleng gamutin. Ang  phobia katulad ng ilang uri ng Mental Illness ay maaaring unti-unting mawala gamit ang iba’t ibang uri ng theraphy. –Ulat ni Philip “Dobol P” Piccio