Nagpamalas ng kanya-kanyang talento ang mga grupo ng PWD o Persons With Disabilities, bilang pagdiriwang ng International Day of Persons With Disability na ginanap sa Convention Center sa Palayan City.

Pinatunayan ng mga PWD na bagamat sila ay may kapansanan, ay hindi ito naging hadlang upang magkaroon sila ng mga natatanging talento.

Ibat-ibang grupo ang nagpakitang gilas sa pagkanta, pagsayaw at nangaroling pa.

Nakisaya din ang iba’t-ibang departamento ng Provincial Government sa pagdiriwang. Kagaya ng Provincial Social Welfare and Development Office, Department of Trade and Industry, Municipal/City Local Government Units at marami pang iba.

Idineklara ng United Nation na International Day of Disabled Persons ang December 3, upang iangat ang kamalayan ng bawat isa sa pagbibigay ng atensyon at tulong sa mga taong may kapansanan.

Base sa 2010 Census, humigit kumulang sa Isa at kalahating milyong PWD ang mayroon sa bansa.

Kaabit nito ay mayroong mga inilaan na benepisyo sa kanila ang gobyerno. Katulad na lamang ng 20% discount sa mga restaurant, gamot, medical and dental services at pamasahe sa mga pampasaherong sasakyan.

Isinabatas din na maglaan ng kahit isang porsyentong posisyon na trabaho sa lahat ng departamento, opisina o korporasyon ng gobyerno at pribadong kumpanya, para sa mga PWD.- Ulat ni Danira Gabriel

[youtube=http://youtu.be/dy2P_LpCgJo]