
President Benigno Aquino lll, State Of The Nation Address 2015
Kahit ang presidente ay hindi makakaila na ang Pilipinas ay nahaharap ngayon sa laban patungkol sa pag angkin ng mga isla sa West Philipine Sea.
Tinawag itong real fight ng pangulo dahil sa girian para sa karapatan na hanggang ngayon ay hindi pa rin nareresolba. Malaki ang paniniwala ng pangulo na malaki ang maitutulong ng UNCLOS upang ma back-up-an ng batas ang territorial claim ng Pinas. Gayunpaman agad na lumabas ang mga balita na hindi matitinag ang China at manininindigan ito na sila ang nasa tama at sila ang tunay na nag mamay ari ng buong West Philippine Sea.
Sa isang artikulo na sinulat para sa The Diplomat ni Dingding Chen, assistant professor of government and public administration at the University of Macau

Dingding Chen, assistant professor of government and public administration// Image Credit: WAALD
“The arbitration case against China launched by the Philippines has attracted a lot of global media attention and global public opinion seems to support the Philippines’ case. However, a closer analysis reveals that the Philippines might in the end suffer from this arbitration case,”
Ano nga ba ang kayang I-tulong ng UNCLOS kung mapatunayan na ang pinas ang tunay na nag mamay ari ng mga isla sa west Philippine sea?
May sapat bang kakayahan ang UNCLOS upang tuluyang mapalayas ang China gayung hindi naman kinikilala ng Bansang China ang UNCLOS?
Ngayon pa lamang ay kitang kita na natin na ano man ang ginagawa ng ibat ibang bansa upang pigilin ang China at naging matigas ang China sa pag pipilit na kanila ang mga isla ng West Philippine Sea. Sa katunayan na reclaim na ng China ang kabuoang 810 hectares sa West Philippine Sea at kung kinakailangang gumamit ng pwersa upang tuluyang mapaalis ang China sa ating territoryo walang duda na taob ang Pinas sa lakas militar.
Sa ngayon ay dinidinig pa rin ang depensa ng Pilipinas sa The Hague at kung magkaroon ng desisyon sa kasong ito. Dasal ng bawat Pilipino na matapos ang laban na walang dumadanak na dugo sa west Philippine sea – Ulat ni Philip “Dobol P” Piccio